By Wheingelito A. Pascua
Trip kong umawit
ng awit sa kanto,
Di maayos ang daloy,
sintunado.
Walang huhusga,
walang paligsahan,
Sa lahat,
‘tong masarap sabayan.
Tulad ng awit
ng malalaya,
Mayr’ong saya
kahit sa simpleng nota;
nailalabas
lungkot at ligaya;
dahan-dahan,
kumukulay nang kusa.
Gusto kong umawit,
di tulad ng dati
Na pagalingan
at pataasan.
Mas Masaya kung
puso ang iiral.
At sana’y makaawit
nang may kasabayan.
Tulad ng isang kanta,
Buhay ko,
sana’y may musika,
may aawit na kasama
sa luha man o sa tuwa.
Ngunit di tulad
ng isang awit,
Sana ay walang patid.
Nais ko ang umawit
sa ‘king panaginip.
Kasama kita roon
hanggang sa pag-idlip.
Nais kong awitin
ito habang buhay.
Hanggang sa paglamig
ng aking mga kamay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Response to "Trip kong Umawit (tf file 1)"